Itinuturong middleman sa ₱6.4B shabu shipment na si Kenneth Dong inilipat na sa Paranaque City Jail

Mula sa NBI Detention Facility ay inilipat na sa Paranaque City Jail ang negosyanteng si Kenneth Dong na sinasabing middleman sa naipuslit na 6.4 billion pesos na shabu shipment mula sa China.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre

Sinabi ng kalihim na sinunod lamang ng NBI ang inisyung commitment order ng Paranaque city Regional Trial Court kung saan nakabinbin ang kasong rape laban kay Dong.

Inaresto si Dong noong August 15  ng NBI matapos ang Senate hearing sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Paranaque RTC bunsod ng kinakaharap nitong kasong panggagahasa na nangyari noong April 2016.

Ulat ni :Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *