Japan Prime Minister Shinzu Abe suportado ang laban ng UK kontra terorismo

Nagpaabot ng pakikiramay at simpatya si Japanese Prime Minister Shinzu Abe sa mga naging biktima ng pag atake ng mga terorista sa London.

Matatandaang nitong Miyerkules March 22, lima ang patay at 40 ang sugatan sa nasabing terrorist attack.

Sa kasaysayan ng London ito ang pinaka matinding naging pag atake ng mga terorista doon  matapos  ang unang pag atake noong July 2005 sangkot ang apat na British Islamist suicide bombers na ikinamatay ng 52 pasahero sa City transport system sa London.

Nangyari ang pag atake sa unang anibersaryo ng terrorist attack na ikinamatay ng 32 sa Brussels.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us: