JBC binuksan ang aplikasyon para sa babakantehing puwesto sa SC ni Justice Estela Perlas- Bernabe

Inanunsiyo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagbubukas ng aplikasyon at nominasyon sa babakantehing posisyon sa Korte Suprema ni Senior Associate Justice Estela Perlas- Bernabe.

Si Bernabe ay magreretiro sa Mayo 14 na pagsapit nito sa mandatory retirement age na 70 anyos.

Sa abiso ng JBC, sinabi na ang mga interesadong aplikante ay dapat na bisitahin ang Online Application Scheduler sa JBC website bago o sa Marso 29.

Kabilang sa mga ipinapasumite na requirements ay ang SALN ng mga aplikante.

Pinaalala ng JBC na basehan para sa diskuwalipikasyon ng aplikante ang kabiguan na magsumite ng SALN.

Para sa mga kasalukuyang government employees, dapat na isumite ang lahat ng SALNs sa nakalipas na 10 taon.

Kung nasa pribadong sektor ngayon at dating nasa pamahalaan sa nakalipas na 10 taon, ang SALNs lang kung kailan ito nasa gobyerno ang ipapasa.

Kung ang aplikante naman ay mula private sector at hindi naglingkod sa gobyerno sa loob ng 10 taon ay ang SALN noong December 31, 2021 lang ang ipapasa sa JBC.

Moira Encina

Please follow and like us: