Tambalang Lacson at Sotto, hindi na i-eendorso sina Senador Richard Gordon at ex Vp Jejomar Binay

Hindi na rin nag i-eendorso ng tambalang Lacson at Sotto sa kanilang mga kandidato sina Senatoriable Richard Gordon at dating Vice president Jejomar Binay.

Ayon kay Senate president at Vice presidentiable Vicente Sotto, may iba kasing sinusuportahan ang mga kandidatong ito.

Tinukoy ni Sotto si Gordon na sumasama na sa mga kampanya ni Vice president Leni Robredo habang si Binay hanggang ngayon hindi pa nila nakakausap.

Una nang iniatras ng tambalang Lacson at Sotto ang suporta kina Senador Sherwin Gatchalian at Herbert Bautista.

Sa ngayon labing isang Senatoriable pa ang kanilang sa kanilang line up.

Pero sa isang tweet, sinabi ni Binay na hindi siya nag-aplay para maging guest candidate pero nagpasalamat siya na naisama sa tiket.

Pinapahalagahan niya rin daw ang kanilang gentlemans agreement na walang susuportahang kandidato sa pagka pangulo at pangalawang pangulo.

Samantala nag courtesy call kanina si Sotto kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez at nanligaw sa mga Local government officials.

Meanne Corvera

Please follow and like us: