JBC binuksan ang aplikasyon para sa mga bakanteng puwesto sa Court of Appeals at Sandiganbayan

Inanunsiyo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagbubukas ng aplikasyon at nominasyon para sa mga bakante at mababakanteng posisyon sa Court of Appeals at Sandiganbayan.

Kabuuang tatlong puwesto sa CA ang pupunan habang isa sa Sandiganbayan.

Partikular sa mga ito ang binakante ni dating CA Justice Maria Filomena Singh na naitalagang mahistrado ng Korte Suprema at mga posisyon ng magreretirong CA Justices na sina Manuel Barrios at Loida Posadas- Kahulugan, at retired Sandiganbayan Justice Alex Quiroz.

Sa abiso ng JBC, ang mga interesadong aplikante ay dapat na bisitahin ang website ng JBC at i-access ang Online Application Scheduler bago ang deadline ng submission ng mga requirement sa December 20, 2022.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *