JBC binuksan na ang aplikasyon para sa bakanteng puwesto sa Supreme Court na nabakante dahil sa appointment ni Chief Justice Teresita de Castro

Binuksan na ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon para sa posisyon ng Associate Justice sa Korte Suprema na nabakante kasunod ng pagkakatalaga kay Chief Justice Teresita De Castro.

Sa abiso na pirmado ni Supreme Court Clerk of Court at JBC Ex-Officio Secretary Edgar Aricheta, itinakda ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon hanggang October 1, 2018 sa ganap na alas-kwatro y medya ng hapon.

Mahigpit ang paalala ng JBC na dapat kumpleto ang mga documentary requirement ng lahat ng mga aplikante.

Nakatakda ring buksan ng JBC sa mga susunod na araw ang aplikasyon para sa isa pang bakanteng pwesto sa Supreme Court dahil naman sa appointment kay dating Associate Justice Samuel Martires bilang Ombudsman.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *