JBC tumatanggap na ng mga nominado para sa mga bakanteng pwesto sa Court of Appeals at Office of the Ombudsman

Binuksan na ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon at nominasyon para sa mga bakanteng posisyon sa hudikatura.

Ang mga ito ay ang mga binakanteng pwesto sa Court of Appeals at Sandiganbayan ng mga bagong miyembro sa Korte Suprema na sina  Associate Justices Noel Tijam at Samuel Martires

Itinakda ng JBC ang deadline para sa pagsusumite ng nominasyon para sa mga nasabing posisyon hanggang sa May 9, 2017.

Samantala, patuloy pa rin ang tumatanggap ang JBC ng mga aplikasyon para sa pwestong iniwan ni Special Prosecutor Wendell Barreras-Sulit sa Office of the Ombudsman.

Nagtapos Ang termino ni Sulit bilang Special Prosecutor noon pang March 11.

Sa ilalim ng Ombudsman Act of 1989, ang Special Prosecutor ay mayroong fixed term na pitong taon.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *