Jeepney Modernization Program , zero budget sa susunod na taon sa bersyon ng Senado

Kinumpirma ni Senador Grace Poe na walang inilaang pondo ang Senado para sa modernisasyon ng mga Public Utility Vehicle sa ilalim ng programa ng Department of transportation

Ayon kay Poe na siyang nagdepensa sa budget ng DOTr, hindi pa rin nakakatugon ang ahensya para sa Local Public Transport Route Plan o Route rationalization para sa PUV Modernization.

Ang Route rationalization ang isa sa requirement ng Land Bank at Development Bank of the Philippines para aprubahan ang loan ng bawat kooperatiba para sa modernized jeepney.

Mungkahi ng Mambabatas, muling kausapin ang dalawang bangko para bumuo ng mga bagong hakbang para maisulong ang modernization at maiwasan ang mga transport strike.

Sinabi ni Poe na posible nilang hilingin sa mga bangko na aprubahan ang loan kahit hindi pa natatapos ang route rationalization.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *