Jetski promise ni PRRD na isa palang campaign joke hindi nakakatawa – Senator Lacson

Hindi raw nakakatawa ang pahayag ng Pangulo na biro lang na magje-jetski siya patungong spratlys para itaboy ang mga barko ng china.

Sinabi ni Senator Ping Lacson, malaking problema ito dahil lahat ng sasabihin ng pangulo ay maituturing na foreign policy at paninindigan ng Pilipinas.

Paalala ng Senador serious business ang presidency kaya isang malaking insulto ang pagbibiro ng pangulo para sa mga botanteng naniwala sa kanya.

Nakakadismaya rin aniya ito dahil ang pagbibiro ng pangulo ay nakakapagpahina lang sa matapang na pahayag nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.

Tulad sa gamot tila nawawalan ng bisa ang mga pahayag nina Locsin at Lorenzana dahil sa nakalilitong pahayag ng Pangulo.

Dapat rin umanong magsilbi na itong aral sa mga botante at umpisahan na ang malalimang pagkilatis sa mga kandidato, hindi lamang sa pagkapangulo kundi pati na rin sa ibang posisyon kasama na ang paghalal sa mga mambabatas.

Meanne Corvera

Please follow and like us: