Job fairs isasagawa ng DOLE, NHCP kaugnay ng 126th Independence Day ng bansa

Photo courtesy of tesda.gov.ph

Maglulunsad ng panibagong job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) para sa paggunita ng ika-126 na taong anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas.

Sa abiso ng DOLE, lahat ng rehiyon sa bansa ay magkakaroon ng job fairs.

Sa National Capital Region ay gagawin ito sa mga mall site sa Caloocan, Marikina, Mandaluyong, Las Piñas at Quezon City, habang sa Pasig ay gagawin ito sa Rizal Gymnasium at City Hall Gymnasium naman sa Parañaque.

Ang mga nasabing job fair ay gagawin sa Hunyo 12 kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day.

Sa MIMAROPA, idaraos ang job fairs sa June 7, 9, 19 at 20.

Para sa kumpletong listahan ng venue ng job fairs ay bisitahin lamang ang social media pages ng DOLE.

Paalala lang ng DOLE sa mga interesadong aplikante na maghanda ng resume, certificate of employment para sa mga dating nagtrabaho, diploma, at transcript of records.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *