Justice Usec. Emmeline Aglipay-Villar bumaba sa puwesto para ikampanya ang asawa

Nagbitiw bilang undersecratary ng DOJ si Atty. Emmeline Aglipay- Villar.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, epektibo sa Marso 21 ang pagbaba sa puwesto ni Villar.

Nag-resign aniya ang opisyal dahil ikakampanya nito ang asawa na si dating Public Works Secretary Mark Villar na kumakandidato bilang senador.

Sinabi ng kalihim na ang passionate na adbokasiya ni Usec. Villar sa proteksyon ng karapatan ng mga kababaihan at bata ay makikita sa kanyang naging trabaho bilang undersecretary in-charge sa IACAT at Gender and Special Protections Group ng DOJ.

Si Villar din ang humawak sa legal staff ng DOJ Secretary.

Si Chief State Counsel George Ortha II ang magsisilbing OIC undersecretary kapalit ni Villar.

Moira Encina

Please follow and like us: