Kabuuang bilang ng mga health worker na nagkaroon ng COVID-19 mula ng magsimula ang pandemya umabot sa mahigit 35,000

Umabot na sa 35,909 ang naitalang COVID- 19 infection ng Department of Health sa hanay ng mga health worker sa bansa mula ng magsimula ang pandemya.

Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ang pinakamataas na kaso sa hanay ng mga manggagawa sa kalusugan ay noong Enero na kasagsagan ng Omicron surge kung saan umabot sa 5,528 ang naitalang infection.

Pero mababa naman na aniya ang bilang ng mga health worker na nasawi dahil sa virus.

Noong Enero at Pebrero, may tig- isang aniya ang naiulat na nasawi habang wala namang naireport na nasawing health worker nitong Marso.

Sa kabuuan, may mahigit 100 ang bilang ng mga health worker na nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: