Presidential candidate Isko Moreno,inendorso ng iba’t-ibang grupo sa Mindanao

Nakakuha ng endorsement si Presidential candidate Isko Moreno mula sa ilang Moro volunteer groups at non-government organizations sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Kabilang rito ang chapters ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Maliban kay Moreno inendorso rin nila ang kandidatura ng running mate nito na si Doc Willie Ong at kanilang Senatorial slate.

Ngayong araw, sa Cebu naman nag iikot ang Team Isko.

Ilan sa kanilang iikutin ay mga bayan ng Tinago at Lapu lapu City.

Magkakaroon rin sila ng town hall meetings, meet and greet at concert.

Madz Moratillo

Please follow and like us: