Kamara ,nakiisa sa paggunita sa ika-126 na Anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal

Nanawagan sa sambayanang pilipino si House Speaker Martin Romualdez na isabuhay ang mga aral na iniwan ni Gat Jose Rizal.

Ayon kay Romualdez hindi lang maituturing na dakilang bayani si Rizal kundi siya ay huwaran ng sambayanan para sa pagmamahal sa bayan dahil sa pag- aalay ng buhay na nagbigay daan para ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa sa kamay ng mga mananakop na dayuhan.

Sinabi ni Romualdez si Rizal ay may malaki ring ambag sa nation building dahil isa siyang dalubhasa sa halos lahat ng larangan na may kinalaman sa edukasyon.

Inihayag ni Romualdez namatay man si Rizal 126 na taon na ang nakakalipas marami paring pilipino ang tulad niya na handang magsakripisyo para sa bayan.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *