Kamara umapela sa mga employer na suportahan ang Telecommuting Act o work from home scheme law

Nanawagan si House Committee on Labor and Employment Chairman Congressman Fidel Nograles sa mga employer na suportahan ang Republic Act 11165 o Telecommuting Act na lalong kilala bilang Work From Home Scheme Law.

Nakapaloob sa binabanggit na batas ang pagpapapatupad ng work-from-home scheme at iba pang flexible working arrangements upang makatipid ang mga employers at mga empleyado at higit sa lahat makaiwas sa pandemya ng COVID-19.

Ginawa ni Nograles ang apela makaraang ilabas ng Department of Labor and Employment o DOLE ang Department Order 237 na naglalaman ng revised implementing rules and regulations o IRR ng telecommuting law.

Sinabi ni Nograles napapanahon ang pagpapalabas ng DOLE ng IRR para sa Telecommuting law kung saan parehong mababawasan ang gastos ng employers at mga manggagawa sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, produktong petrolyo, problema sa pampublikong transportasyon at makaiwas sa patuloy na pandemya ng COVID-19.

Inihayag ni Nograles, malinaw sa batas, na ang oras ng trabaho ng empleyado na sasailalim sa flexible working arrangements ay hindi dapat maapektuhan ang sweldo at lahat ng benepisyo.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.