Kampo ni De Lima, iaapela ang panibagong warrant of arrest

download
courtesy of wikipedia.org

I-a-apela ng kampo ni Senadora Leila de Lima ang panibagong paglabas ng warrant of arrest na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ang nasabing arrest warrant na inilabas ni Judge Amelia Fabros-Corpuz ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 205 ay non-bailable.

Nakasaad sa arrest warrant ang pag-aresto sa Senadora at isang Jose Adrian Dera o “Jad de Vera” na sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Dera ang umano’y nangikil ng pera at sasakyan kay Peter Co na isang high profile inmate sa New Bilibid Prisons upang gamitin umano sa election campaign ni de Lima.

Si de Lima ay kasalukuyang nakakulong sa Custodial Center ng PNP.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *