Kanselasyon ng assignment ni Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City, kinikilala ng Malacañang

Iginagalang ng Malacañang ang pagkansela ng Philippine National Police o PNP sa re-assignment ni Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pasya ito ng liderato ng pambansang pulisya alinsunod sa mga umiiral na polisiya at patakaran sa paglilipat, muling pagtatalaga at paghirang ng kanilang mga tauhan.

Kaya nararapat lamang aniyang respetuhin ang kautusan ng kanilang pamunuan.

Matatandaang si Pangulong Rodrigo Duterte at PNP ang nagtalaga kay Espenido sa Iloilo City upang tuluyan nang masugpo ang iligal na droga sa nasabing lugar.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *