Kapatid ng middleman sa pagpatay kay Percy Lapid humingi ng tulong kay Senador Raffy Tulfo

Humingi na ng tulong kay Senador Raffy Tulfo ang kapatid ng namatay na middleman sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid para sa kaniyang proteksyon at kaligtasan.

Sa kanyang programa sa radyo, ibinunyag ng kapatid ng middleman na si Jun Villamor na alyas ate,  na may hawak siyang tatlong pangalan ng tatlong indibidwal na posibleng nasa likod ng biglaang pagkamatay ng kaniyang kapatid.

Sa naunang report ng NBP, binangungot umano si Villamor sa loob ng bilangguan .

Pero ayon sa kaniyang ate, nakausap niya si Villamor sa pamamagitan ng facebook messenger bandang 11:59 ng umaga noong October 18 ilang oras bago ito mamamatay.

Sinabi raw nito sa kanya ang tatlong pangalan na dapat imbestigahan sakaling mapatay siya sa kulungan .

Humingi na ng tulong si Tulfo kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para agad maisailalim sa witness protection program ang kapatid ng middleman.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *