Karagdagan pang 190 pulis, nakarekober sa Covid-19

Naragdagan pa ng 191 ang mga pulis na nakakarekober sa Covid-19.

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, umakyat na sa 13,576 ang recovery cases sa kanilang hanay.

Wala ring naitalang bagong mga namatay sa karamdaman kaya nanatili sa 40 ang death toll.

Gayunman, nakapagtala ng mga bagong mga kaso ng virus infection na 173.

Kaya pumalo na sa 16,230 ang mga pulis na nagpopositibo sa Covid-19.

Please follow and like us: