Sinovac, inirekomenda nang magamit sa mga matatanda

Inirekomenda ng Vaccine Expert Panel na magamit maging sa mga matatanda o mga nasa edad 60 pataas ang CoronaVac ng Sinovac.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Rontgene Solante myembro ng Vaccine Expert Panel sa isang virtual Press Conference.

Pero ayon kay Solante, nakadepende pa rin ito sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force Against Covid-19.

Ilan aniya sa kanilang naging basehan ay ang resulta ng Phase 1 at 2 Clinical Trial ng Sinovac vaccine kung saan mataas ang efficacy rate nito maging sa mga matatanda.

Maging sa ibang bansa aniya ay itinuturok narin ang Sinovac vaccine sa kanilang senior population.Gaya nalang sa China, Indonesia, Hong Kong at Turkey.

Madz Moratillo

Please follow and like us: