Karagdagang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19,iniulat ng DOH

Umabot na ngayon sa 37,596 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos may iulat na karagdagang 102 bilang ng nasawi ang Department of Health.

Ang 102 na ito ay kabilang sa backlog ng DOH kasunod ng nangyaring technical problem sa kanilang Covid Kaya system.

Ayon sa DOH, patuloy ang ginagawang pagsasaayos ng Department of Information and Communications Technology sa problema.

Pero habang hindi pa naaayos, mano mano ang encoding ng mga datos ng nasawi dahil sa COVID-19.

Kaya naman asahan na sa mga susunod na araw ay muling magrereport pa ang DOH ng karagdagang bilang ng nasawi.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, director ng Epidemiology Bureau ng DOH, nagkaroon ng problema sa server ng Covid Kaya system mula September 23 hanggang 26.

Madz Moratillo

Please follow and like us: