Kaso ng Covid-19 sa mga Medical frontliner, nadaragdagan pa pero recovery rate, nananatiling mataas

Umakyat na sa 1, 253 ang bilang ng mga Health worker na tinamaan ng Covid 19.

Pero ayon sa Department of Health (DOH), mataas din ang recovery rate sa kanilang hanay.

Sa nasabing bilang, 18,010 ang nakarekober na mula sa sakit.

Bumaba naman sa 148 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa kanilang hanay.

Sa bilang na ito, 81 ang mild, 32 ang asymptomatic, 20 ang nasa severe condition, 9 ang kritikal, at 7 ang nasa moderate condition.

Naragdagan naman ang bilang ng nasawi sa mga Medical frontliner na ngayon ay nasa 94 na.

Pinakamarami sa mga nasawi ay sa hanay ng mga doktor, sinundan ng mga nurse, at admin staff.

Madz Moratillo

Please follow and like us: