Miss Mexico itinanghal bilang bagong Miss Universe

Kinoronahan bilang ika-69 Miss Universe si Andrea Meza ng Mexico.

Si Andrea Meza ang ikatlong Mexican na nakasungkit ng korona matapos sina Ximena Navarette noong 2010 at Lupita Jones noong 1991.

Nasungkit naman ni Julia Gama ng Brazil ang first runner up, second runner up si Janick Maceta del Castillo ng Peru, third runner up si Adline Castelino ng India habang 4th runner up si Kimberly Jimenez ng Dominican Republic.

Si Andrea na ang ikalawang titleholder ng prestihiyosong patimpalak ngayong panahon ng Pandemya.

Sumunod siya kay Miss Zozibini Tunzi ng South Africa.

Napabilib ni Andrea ang mga hurado sa kaniyang final statement tungkol sa Changing Beauty standards.

Please follow and like us: