Kaso ng isang prison guard sa NBP na inaresto matapos makuhanan ng 100 gramo ng hinihinalang shabu, pinatututukan ni Justice Sec. Aguirre

Pinatututukan mabuti ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre  sa mga otoridad ang kaso ng isang prison guard sa New Bilibid Prisons na inaresto matapos makuhanan ng 100 gramo ng hinihinalang shabu.

Kinumpirma ng kalihim na nahulihan  ng mga tauhan ng PNP- Special Action Force ng isang malaking plastic sachet ng iligal na droga ang prison guard 1 na si Ernesto Dionglay Jr.

Si Dionglay at ang iba pang kawani ng NBP ay  sumalang sa body search ng PNP SAF  sa gate ng maximum security compound nitong Huwebes ng umaga.

Nakadetine pansamantala ang Prison guard sa Muntinlupa at sasampahan ng kasong paglabag sa section 11 ng RA 9165 o illegal possession ng droga.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *