Kaso ng masaker sa San Jose Del Monte Bulacan, hindi pa sarado kahit umamin na ang suspect – PNP

Hindi pa sarado ang kaso kaugnay sa pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa Philippine National Police ito’y kahit inamin ng itinuturing na principal suspect na si Carmelino Ibanez ang krimen at kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

Ayon kay P/Supt. Fitz Macariola, acting Police Chief ng San Jose del Monte, open pa ang kaso at hanggang sa ngayon ay patuloy ang kanilang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Macariola na lahat ng posibleng anggulo sa brutal na pagpatay ay kanilang tinitignan upang matukoy kung ano ang punot dulo ng insidente at kung sinu-sino pa ang mga posibleng nasa likod ng masaker.

Dagdag pa ni Macariola, hindi nila maaaring paniwalaan ng buo ang mga inamin ng suspek dahil nasa impluwensya pa ito ng iligal na droga.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *