Kathryna Pimentel, Itinalagang bagong Special Envoy for Trade and Investment ni PBBM sa UAE

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang maybahay ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na si Ma. Anna Kathryna Yu Pimentel bilang Special envoy para sa trade and investment sa United Arab Emirates .

Si Pimentel ay nanumpa sa harap ni PBBM sa Malacañang kasama ang Senador at iba pang miyembro ng pamilya .

Dumalo rin Pimentel sa Courtesy call ni UAE Minister of Foreign Affairs his highness Sheikh Abdullah Bin Zayed Al Nahyan kay Pangulong Marcos Jr. at First lady Liza Araneta-Marcos.

Sinabi ni Pimentel na nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay ng Pangulo para palakasin ang relasyon sa pamumuhunan at kalakalan sa UAE.

Ang UAE ay isa sa pinagmumulan ng remittances mula sa mga Overseas Filipino Worker at ito ay isa sa pinakamalaking import supplier ng Pilipinas.

Naniniwala si Pimentel na sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Trade and Investment, magkakaroon ng mas maraming oportunidad ang mga Pilipino at mapapalakas ang Bilateral relations ng ekonomiya ng dalawang bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *