Kerwin Espinosa maaring gawing state witness sa kaso laban sa big-time drug supplier na si Peter Go Lim

Pwedeng gawing state witness si Kerwin Espinosa sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya at sa sinasabing big time drug supplier sa Visayas na si Peter Go Lim alyas Jaguar.

Sina Espinosa, Lim, Peter Co at iba pang hinihinalang sangkot sa illegal drug trade sa region 7 at 8 ay sinampahan ng PNP -CIDG ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 sa DOJ.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maaring ma-discharge si Kerwin bilang testigo bago o kahit umuusad na ang paglilitis.

Si kerwin ay nasa ilalim ng Witness Protection Program kasunod ng pagtestigo laban kay Senadora Leila de Lima sa bilibid drug trade hearing ng Kamara.

Nilinaw ni Aguirre na ang panel of prosecutors pa rin na hahawak sa preliminary investigation ang magpapasya kung gagawing testigo si Espinosa.

Itinakda sa Lunes, august 14 ang unang araw ng preliminary investigation sa drug case laban kina Espinosa at Lim.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *