Kerwin Espinosa, mananatili sa NBI detention facility

Pinagbigyan ng Manila Regional Trial Court ang mosyon ng self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa na manatili itong nakakulong sa NBI Detention Facility.

Sa commitment order na ipinalabas ni Manila RTC Branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr, inatasan nito ang NBI na panatilihin sa kanilang kustodiya si Espinosa.

Nakitaan ng hukom ng merito ang hirit ni Espinosa lalo na’t ito ay nasa ilalim ng Witness Protection Program.

Hiniling ng kampo ni Espinosa sa korte na manatili ito sa NBI detention dahil sa banta sa buhay nito kapag inilipat ng kulungan.

Ang kasong illegal drug trading ni Espinosa sa Manila RTC ay nag-ugat sa buy-bust operation ng PNP sa bahay nito sa Albuera, Leyte.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *