Kidapawan City bagong record holder para sa largest number of performers dancing Cha-Cha-Cha

 download
courtesy of wikipedia.org

Kinumpirma ng Guinness Book of World Record na nakuha ng Kidapawan City, Southern Philippines ang titulong largest number of performers dancing Cha-Cha-Cha.

Ayon kay Joey Recimilla, City Tourism and Promotion Officer, 14,275 ang sumali na karamihan ay estudyante at mga tauhan ng gobyerno.

Tinalo ng Kidapawan ang 3,379 ng Edgefield Primary School sa Singapore.

Sinaksihan nto ng tatlong professional dancer, isa sa kanila ay British national na pinadala ng Guinness.

Nagpasalamat naman ng marami si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista dahil sa suporta ng mga residente at naibalik ang magandang  pangalan ng Kidapawan City pagkatapos ng madugong rally noong April 1.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

 

 

Please follow and like us: