Kopya ng impeachment complaint natanggap na ng kampo ni CJ Sereno

Kinumpirma ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno  na natanggap na nila ang kopya ng impeachment complaint laban dito.

Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo  Cruz, naipadala na ng Secretary General ng House Committee on Justice ang kopya ng impeachment case sa Office of the Chief Justice.

Binigyan aniya sila ng Kamara ng sampung araw para tumugon sa reklamo na inihain ni Atty. Lorenzo Gadon.

Inihayag ni Cruz na lalamanin ng tugon ni Sereno kung bakit dapat mabasura o pumalya ang impeachment complain laban dito.

Giit pa ni Cruz  naging masugid na tagapagtanggol ng hudikatura at demokrasya ang punong mahistrado.

Tiniyak ng abogado na gagampanan pa rin ni Sereno ang mga tungkulin niya at itutuloy ang reform agenda sa hudikatura kahit umusad na ang impeachment proceedings.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *