Korte Suprema fully-operational simula sa Peb. 2

Balik-tanggapan na muli ang mga mahistrado at kawani ng Korte Suprema simula sa Pebrero 2 ngayong ibinaba na sa Alert Level 2 ang NCR.

Sa memorandum order na inilabas ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sinabi na fully-operational na ang mga opisina sa Supreme Court sa Miyerkules.

Kalahati ng mga kawani ang papasok on-site ng Lunes, Martes at Miyerkules habang ang nalalabing kalahati ay sa Huwebes, Biyernes, at Sabado.

Work-from-home naman ang dalawang araw na trabaho ng court personnel.

Pinapayagan na rin muli ang limitadong personal filing ng mga initiatory pleadings.

Bilang pag-iingat pa rin laban sa pagkalat ng COVID-19, kinakailangan na sumailalim sa antigen testing ang mga empleyado na papasok nang pisikal sa SC.

Moira Encina

Please follow and like us: