Mababakanteng posisyon sa COMELEC agad na pupunan ni Pangulong Duterte – Malakanyang

Agad na magtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong opisyal sa Commission on Elections o COMELEC.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles kaugnay ng pagreretiro sa tungkulin nina COMELEC Chairman Sharif Abas, Commissioner Rowena Guanzon at Antonio Kho sa February 2 ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni Nograles hawak na ni Pangulong Duterte ang shortlist ng mga pangalan ng pagpipilian na mga bagong COMELEC officials.

Inihayag ni Nograles na mahalaga ang papel na gagampanan ng COMELEC sa pangangasiwa ng National at Local elections sa bansa sa May 9 2022.

Vic Somintac

Please follow and like us: