Korte Suprema tatalakayin sa susunod na buwan ang resulta ng 2016 bar exams

Itinakda sa susunod na buwan ng Korte Suprema ang special en banc session nito para talakayin ang resulta ng 2016 Bar Examinations.

Idaraos ng Supreme Court ang special en banc session  sa May 2, 2017.

Sa naturang sesyon pagpapasyahan ng mga SC jJstices ang passing rate sa pagsusulit at pagkatapos ay inaasahang ilalabas na ang mga pangalan ng mga bar passers.

Si Associate Justice Presbitero Velasco ang Chairman ng 2016 Bar Examinations.

Halos 7000 ang bilang ng mga law graduate na kumuha ng bar exams noong Nobyembre ng nakaraang taon na isinagawa sa UST.

Kabilang sa mga asignatura sa bar exams na ang Political Law, Civil Law, Criminal Law, Remedial Law, Taxation, Mercantile Law, Labor Law at Legal and Judicial Ethics.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: