Kotse ng misis ng VIP inmate na tinambangan, isinailalim sa forensic exam ng NBI

l1

 

Ininspekyon ng National Bureau of Investigation  ang sasakyan ng asawa ng high-profile inmate at testigo sa drug trade sa bilibid na si Noel Martinez na tinambangan noong nakaraang Biyernes ng madaling araw.

Ang SUV ni Lalaine Madrigal Martinez ay dinala saDOJ at isinailalim sa forensic examination ng mga tauhan ng NBI-Forensic Division.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa windshield malapit sa gawi ng driver’s seat ang sasakyan.

atay sa paunang pagsusuri ng NBI, ang trajectory ng bala na tumama sa windshield ay galing sa itaas.

May nakita ring tatlong fragment ng bala sa loob ng sasakyan.

Kaugnay nito, nanindigan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi siya nagsisinungaling nang kanyang isiwalat ang ambush kay Lalaine sa Circuit Makati

Nagpadala pa ng litrato ang DOJ sa Media bilang patunay na si Lalaine ay sugatan sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang balikat.

Muling sinabi ng kalihim na si Lalaine ang nagsabi sa kanya na sina Dating Senador Jamby Madrigal at Laguna Representative Len Alonte-Naguiat ang nasa likod ng pag-aalok ng ₱100 sa mga high profile Bilibid inmate para baligtarin ang kanilang testimonya laban kay Senadora Leila de Lima.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: