Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga pasilidad ng BuCor, umabot sa halos 600

Kabuuang 598 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID-19 sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections.

Sa pinakahuling datos ng DOJ ngayong Disyembre, sinabi na mula sa nasabing bilang ay 130 na lamang ang aktibong kaso ng COVID sa mga BuCor facilities.

Sinabi pa ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay- Villar na pawang mild at asymptomatic lang din ang mga active cases.

Ang halos 600 positibong kaso rin anya ay tumutukoy sa parehong inmates at BuCor personnel sa New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women.

Sa kabuuan mas marami din sa mga confirmed cases sa BuCor ay nakarekober na umabot sa 441 habang may 27 na pumanaw.

Moira Encina

Please follow and like us: