Kumpirmasyon ni Foreign Affairs Sec. Yasay, ibinasura ng CA

Ibinasura ng Committee on Foreign Relations ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Department of Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay.

Ito ang napagkasunduan ng mga miyembro ng komite sa isang executive session matapos na muling isalang sa confirmation hearing si Yasay.

Unanimous ang desisyon ng mga miyembro ng komite na ibasura ang nominasyon ni Yasay.

Ilang miyembro ng komite na dating pabor sa kumpirmasyon ni Yasay ang nagbago ng isip matapos madismaya nang tumanggi ito na amining, dati siyang naging US citizen.

Nakatakdang ihayag ng komite ang desisyon nila sa pagbasura ng nominasyon ni Yasay sa plenary session ng CA ngayong hapon.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: