Labor Secretary Silvestre Bello III, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa Covid 19 si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa isang statement sinabi ng DOLE na asymptomatic ang kalihim at nasa maayos naman itong kalagayan.

Kasalukuyan umanong naka self quarantine ang kalihim sa kanyang hometown sa Ilagan kung saan sya naroon nang isailalim sa pagsusuri.Si Bello ay fully vaccinated na kontra Covid-19.

Bago nagpositibo sa virus, si Bello ay bumiyahe sa iba’t ibang lugar sa bansa upang obserbahan ang pamamahagi ng tulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Kahit naka quarantine, tuloy parin umano ang trabaho ni Bello bilang pinuno ng DOLE.

Pinaalalahanan rin nito ang publiko na palaging sumunod sa minimum health protocols kontra Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: