Walong kandidato ng PDP laban pinangalanan na

Pinangalanan na ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP – Laban ang mga kandidato nitong isasabak sa senatorial race sa 2022 elections.

Kabilang na rito ang walong kasalukuyang Cabinet members ng administrasyon.

Ito’y sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello III, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Presidential chief legal counsel Salvador Panelo, Public works and highways Secretary Mark Villar, PACC Commissioner Greco Belgica, Agrarian Reform Secretary John Castriones at DICT Sec. Gringo Honasan.

Sinabi ni PDP – Laban Secretary General Melvin Matibag na dalawampung pangalan ang kanilang pinagpilian.

Ikinukunsidera rin aniya na mapasama sa listahan sina Quirino Governor Dax Cua at Congresswoman Lucy Torres Gomez.

Maglalabas aniya ng pinal na mga pangalan sa September 8 sa kanilang ipinatawag na national assembly meeting.

Meanne Corvera

Please follow and like us: