Lacson-Sotto, Nangampanya sa Pasig city

Mga taga Pasig ang niligawan ng tambalan nina Reporma Standard bearer Ping Lacson at runningmate na si Senate president Vicente Sotto.

Bago mag-ikot sa Pasig, nag courtesy call sila kay Pasig mayor Vico Sotto kasama ang Senatorial bet na si dating DITC Secretary Gringo Honasan at ama ng alkalde , Pasig city Congressman Roman Romulo at aktor na si Vic Sotto.

Tumanggi  si Mayor Vico na sagutin kung humingi ba ng endorsement at kung susuportahan ba nito ang kandidatura nina Lacson at Sotto.

Sagot ng alkalde, nangako siyang hindi makikisawsaw sa isyu ng National elections.

Kapwa sinabi nina Lacson at Sotto na malaking bagay na hinarap sila ng alkalde at naiintindihan nila ang desisyon nito.

Ayon sa ama ng alkalde na si Vic Sotto wala namang tinalakay na isyung may kinalaman sa pulitika.

Sinubukan naman nina Lacson at Sotto ang Pasig ferry na anila’y makakatulong sa transportasyon lalo na sa problema sa traffic.

Nakipagdayalogo rin sila sa mga tindera sa Pasig Mega Market.

Meanne Corvera

Please follow and like us: