NBI may lead na sa pagkawala ng ilang sabungero

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo
Guevarra na ipinabatid sa kanya ng NBI na may lead na sila sa pagkawala ng ilang sabungero.

Pero, wala na aniyang karagdagang impormasyon na ibinigay ang NBI.

Tiwala naman si Guevarra na magkakaroon ng positibong resulta ang imbestigasyon ng NBI at PNP sa insidente.

Aniya imposible na nawala ang 34 katao sa mga magkaparehong sitwasyon nang walang iniwang bakas.

Una nang inatasan ni Guevarra ang NBI na imbestigahan ang pagkawala ng mga sabungero at kasuhan ang mga nasa likod nito.

Moira Encina

Please follow and like us: