Lalaki binaril ng riding in tandem sa Quezon City

Tinambangan ng riding in tandem ang isang lalake sa Bansalangan St. Payatas Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jose Gardonez 19 years old.

Ayon sa kapatid nito na si Benjamin matagal na nila itong pinapatigil ngunit patuloy pa rin ito sa paggamit ng shabu.

Sa kwento ng ilang nakasaksi sa pangyayari nakatambay lamang ang biktima sa lugar ng bigla na lamang may dumating na mag kaangkas sa motor at binaril ang biktima.

Agad namang naisugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima.

Hinala ng mga otoridad onzehan sa drugs  kaya tinambangan ito.

 

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng calibre 45 na baril.

Samantala, iniimbestigahan pa rin ng mga otoridad ang nasabing insidente.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *