Lalaki, patay matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Q.C….3 Drug suspects, nakatakas

Dead on arrival sa ospital ang isang lalaking drug suspect matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Visayas Avenue Quezon City kagabi.
Kinilala ang napatay na suspek na si Bryan Montawan, 23 taong gulang.
Sa ulat, natunugan ng apat na suspect na pulis ang isinasagawang buy bust operation ng Quezon City police district o QCPD Station-11 Drug Enforcement unit habang nagpanggap na buyer ang mga otoridad na kanilang ka-transaksyon.
Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga operatiba at mga suspect sakay ng isang kotse.
Pagdating sa bahagi ng Visayas Avenue, lunsod Quezon ay doon na napuruhan si Montawan matapos magtangka itong paputukan ang mga pulis na humahabol sa kanila.
Ayon kay Police Supt. Igmedio Bernaldez, Station commander ng QCPD Station 11, notorious drug pusher ang mga suspect at si Montawan ang pangunahing target nila sa isinagawang operasyon.
Narekober sa sasakyan ng mga suspect ang 50 gramo ng shabu na dapat ay bibilhin ng poseur buyer mula sa mga suspek, at isang kalibre 38 na baril.
Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang QCPD Station-11 para sa ikadarakip pa ng 3 pang kasamahan ni Montawan na pawang mga nakatakas.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *