Lalaki, patay matapos na malunod sa ilog sa Aklan

Patay ang isang lalaki matapos itong mahulog sa tulay at malunod dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog.
Kinilala ang biktima na si Romie Suan, at residente sa Nabas, Aklan. 


Ayon sa imbestigasyon ng PNP Nabas, galing ang biktima sa birthday party, kasama ang dalawang iba pa na kinilalang sina Vigel Flores at Jay Zorca. 


Pawang mga lasing ang biktima at ang dalawang kasama nito at habang tumatawid sa tulay ay bigla nalang nawalan ng balanse ang biktima at nahulog sa ilog. 


Agad namang ipinagbigay alam ng kanyang mga kasamahan sa mga opisyal ng Barangay ang nangyari para imbestigahan ang aksidente. 


Natagpuan naman ang labi ng biktima sa ilalim ng tulay sa Brgy. Gibon Nabas, Aklan. 

Ulat ni Lads Ventura

Please follow and like us: