Lalaki, patay sa pamamaril sa Quezon City

Patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng isang lalaking natagpuang nakabulagta sa kalsada ng Kasunduan St., Barangay Commonwealth, Quezon City kaninang madaling-araw.
Ang lalaki na biktima ng pamamaril ay nakasuot ng puting T-shirt at maong na pantalon at tinatayang nasa 30 anyos pataas.
Ayon sa mga residente sa lugar, alas-9:10 kagabi nang makarinig sila ng malakas na putok ng baril.
Kaagad namang pinuntahan ng mga Kagawad ng Barangay ang insidente matapos iparating sa kanila ng isang concerned citizen.

Nakita rin ng mga residente na naglakad lang umano ang suspect matapos barilin ang lalaki.

Palaisipan pa rin sa mga otoridad ang motibo sa pagpatay dahil wala namang nakuhang shabu o anumang kagamitan sa biktima at maging ang kaniyang pagkakakilanlan.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *