Lalaking Kuwaiti na sinasabing ISIS member, pinadedeport na rin ng BI

Pinade-deport na rin ng Bureau of Immigration ang lalaking Kuwaiti na sinasabing ISIS bomb-maker at nagpaplano ng terror attack sa Kuwait.

Sinabi ni Justice Undersecretary Erickson Balmes nag-isyu na ang BI Board of Commissioners ng summary deportation order laban kay Hussein Al-dhafiri.

Ang asawa ni Al-dhafiri na si Rahaf Zina ay una na ring iniutos ng BI na ideport naman pabalik sa Qatar.

Naaresto ang dalawa ng mga otoridad noong March 25 sa Taguig City.

Hindi pa makumpirma ni Balmes kung kailan maidedeport ang mag-asawa.

Una nang nagpalabas ang Kuwaiti government ng Temporary Travel documents kay Al-dhafiri para sa mabilis na deportasyon.

Ito ay nahaharap ng crime against the state security sa Kuwait dahil sa sinasabing plano nitong pambobomba.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: