Laman ng ikalawang SONA ni Pangulong Duterte isasapinal sa Davao ayon sa Malakanyang

Magtutungo sa Davao ang Technical Working Group ng Presidential Communications Office para isapinal ang laman ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes July 24.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na bibigyan nila ng briefing ang Pangulo kung papaano ang prodution ng kanyang SONA sa pamamagitan ng premyadong director na si Brillante Mendoza.

Ayon kay Andanar sa Davao din gaganapin ang rehersal ng Pangulo para sa kanyang SONA speech.

Babalik sa Manila si Pangulong Duterte sa  Linggo para sa kanyang SONA kinabukasan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *