Lanao del Sur, niyanig ng intensity 6 na lindol

Niyanig ng intensity 6 na lindol ang bahagi ng Wao, Lanao del Sur, kaninang alas-5:30  ng umaga.

Naitala ng Philippine Insttitute of Volcanology and Seismology ang epicenter ng pagyanig, anim (6) na kilometro sa Timog Kanluran ng Wao.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim lamang na isang kilometro.

Naramdaman naman  ang intensity 4 sa Davao City; Cagayan de Oro City; Cotabato City; at Gingoog City at Misamis Oriental.

Please follow and like us: