Lapeña: Sindikato ng droga nasa likod ng mga maling balita sa droga 

 

Nanindigan si Customs Commissioner Isidro Lapeña na malinis ang kanyang konsensya kaugnay sa umano’y naipuslit na 6.8 billion pesos na halaga ng droga sa pamamagitan ng mga magnetic lifter.

Sinabi ng opisyal na mga taong nasa likod ng sindikato ng droga ang nasa likod ng mga maling akusasyon laban sa kanya at sa Bureau of Customs (BOC).

Nilinaw rin ng opisyal na maayos ang kanilang relasyon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.

Si Lapeña ang dating pinuno ng PDEA bago naitalaga si aquino sa nasabing ahensya.

Ipinawaliwanag rin ni Lapeña na tuloy ang kanilang koordinasyon sa pdea na nagresulta na sa pagkakasabat ng ilang shipment ng droga na tangka sanang ipasok sa bansa.

Nilinaw rin ng opisyal na hindi siya magbibitiw sa puwesto maliban na lamang kung ipag-utos ito mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *