Laptop set, at mga Risograph digital machine ipinagkaloob ng Kawit LGU sa mga guro.

Nasa 44 na set ng mga laptop, na may mga kasamang mouse, flash drive, at laptop bag  ang ipinagkaloob ng kawit cavite municipal government para sa mga faculty staff ng lahat ng public school sa Kawit Cavite. 


Ang mga naturang gadget ay mula sa Special Education Fund bunga ng pakikipagtulungan ng municipal office sa tanggapan ng Deped Kawit sa ilalim ng pangunguna ni DepEd Supervisor na si Ms. Susan Aquino.


Bukod sa mga laptop, namahagi din ang kawit municipal govt. ng 11 risograph digital machines at mga ink para sa mga pampublikong paaralan sa bayan na magagamit para sa kanilang ginagawang mga module na ginagamit ng mga mag-aaral sa Kawit Cavite.


Ayon kay Kawit Cavite Mayor Angelo Aguinaldo, Patuloy aniya silang nagsisikap na maging kaagapay ng mga guro at principal sa kanilang walang-sawang paghahatid ng de kalidad na edukasyon.


Aniya, pagtanaw na rin ito ng malaking utang na loob sa mga guro sa kanilang lugar para sa kanilang walang sawang serbisyong ibinibigay para sa kapakanan ng mga estudyante na kanilang bayan sa kabila ng pandemya bunsod ng covid 19.

Ulat ni Jet Hilario

photo courtesy: Kawit LGU
Please follow and like us: