Lebel ng Tubig sa Aklan river unti-unti pa ring tumataas dahil sa patuloy na pag ulan dulot ng Bagyong Quinta

Unti-unti pa ring tumataas ang lebel ng tubig sa Aklan river ngayong araw.


Bunsod pa rin ito ng epekto ng Bagyong Quinta na nanalasa sa lalawigan. 


Patuloy naman sa pagbibigay ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Aklan sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog na maging aletro at handa sa mga biglaang paglilikas.


Patuloy namang binabantayan ng PDRRMO Aklan at BFP Kalibo para makatiyak masiguro ang kaligtasan ng mga tao sa lalawigan.

Sa ngayon, isinailalim na sa signal no. 1 ang lalawigan ng Aklan dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Quinta sa bansa.

Ulat ni Lads Ventura

Please follow and like us: